Everything I'm not
made me everything I am.
Jeseeka.
twenteen. green. black. taylor swift. a rocket to the moon. christofer drew ingle. chocolates. barkada. :)
Zai ♥
Catching Elephant is a theme by Andy Taylor
(Source: leilockheart)
Ang saya lungs ngayong araw :3
Had a date with J. :)) Jk. Kumain lang kami sa labas. Hee :) Hay naku, parang kami lang talaga. Pero hindi. Tsk. Gusto kong mabalik yung dati naming relasyon, kaso malabo na :( Bawal na pag-ibig talaga. Hays.
Di ko na lang iniisip yun, basta ang alam ko, masaya kami sa isa’t isa. Masaya kami sa kung anong meron kami ngayon. Hee :3
Hmmm. Magkkwento lang ako sa nangyari sa amin ngayon araw. I went to his house this morning kasi nga kakain kami sa labas. Then, hinintay ko siyang mag-ayos. Parang babae lang talaga. Kung makapagperfume wagas! HAHAHA.
Tapos pumunta kaming laundry shop, kinuha niya yung mga damit niya at dumerecho na ng downtown. Bumili siya ng bagong relo. Ang dami kong tawa lang kasi may bitbit siya na isang malaking plastic bag tapos naka-polo siya. Haha. Tapos sabi niya, “eh ano ngayon, marami naman akong pera”. Hahaha. Ang adik lang talaga.
At pumunta na kami ng Kitchenitos. Halatang gutom kami kasi me mga extra rice pa talaga. Haha. At nakatabi namin ng table yung ofismate niya kasama yung anak. Naloloka ako sa ofismate niyang yun kasi baliw baliwan lang. Haha! Laging sinasabi dun, “gawa na din kayo ng marami (anak) para masaya”. LOOOL. Pero kinilig ako dun :”> At sigurado kami na ichichismis naman dun sa kanila na me kasama si J na gf niya. Hahaha.
Tapos after Kitchenitos, he had to go to their office kasi magrereport pa siya, kaya ako, umuwi na lang. At na-miss ko siya agad. :<
Di bale, magkikita pa naman kami eh :”“>
Yehey walang work bukas! Memorial Day kasi :D
(Source: madeleinemurr)
05112012
2nd anniversary sana namin ngayon ni J, kung di kami naghiwalay.
Hindi ko talaga alam kung bakit naiisip ko pa rin siya at kung bakit napaka-importante pa rin niya sa akin kahit nagtagal lang ng dalawang buwan yung relasyon namin. Oo, ganun lang ka-iksi yung pagsasama namin. Pero minahal ko siya ng sobra. Sobra pa sa buhay ko. Hindi ko naisip na mawawala siya sa’kin ng biglaan. Pero kahit ganun, hindi ako nagtanim ng galit sa kanya. Hindi ko pinapakita sa kanya na nasaktan ako ng sobra sa paghihiwalay namin. Nag move-on ako. Nag move-on siya. Nagmahal ako ng iba. Nagmahal din siya ng iba. Pinilit kong kalimutan siya. At akala ko nga nakalimutan ko na siya.
After 2 years, nagtext siya. Nangumusta. Nakipagkita. Masaya akong kasama siya. At naramdaman ko na lang bigla, hindi ko pa rin siya na let go sa buhay ko. Mahal ko pa rin siya. :(
Alam niyo kung ano meron kami ngayon? BAWAL NA PAG-IBIG.
— gusto ko lang magshare. at dahil dito, siguradong aantukin ako bukas sa trabaho ko. Gdnight ~
[nakita ko kasi yung ginawa kong blog para sa kanya sa dapat 3rd monthsary namin kaya naisip ko ‘to. hahaha.]
(http://shoutthefeelingsout.tumblr.com/post/943618746/3rd-mansarii-sana)